Ayoko sa pasikat, papansin, trying hard, slow, chipchep, mlastik, mayabang na wala naman ipagyayabang, puro porma, BORING!, sintu-sinto, at higit sa lahat, ayoko sa mga taong ayaw sakin, aba-aba, hahaha.
Mabait ako, oo, mabait talaga ako, Pero hindi ako galante! Simple lang ang motto ko sa buhay, kung ayaw, wag pilitin. Wag magsalita at magsabi ng kung ano-ano kung di mo kayang patunayan. Kaya para sa mga religion sa buong mundo, PEACE! Hindi ako basta basta nagtitiwala, at bihira rin ako magtiwala. Ayoko talaga sa mga walang omon chens. Better watch this, http://www.youtube.com/watch?v=RNy6ziOyxoA. Iniintindi yan, masasabi ko pang katotohanan yan kasi yan naman talaga ang nangyayari, eh kesa sa sinasabi nilang invisible man, mas maniniwala pa ko sa mga tao/bagay/hayop/lugar o kahit ano pa, na napatunayang nabuhay sa mundong ibabaw at naganap sa kasaysayan nang walang kaduda duda kung nangyari o meron ba talagang ganun.
Marami akong idol, marami talaga, at eto na sila, Bob Marley, Beatles (Lahat sila!), Michael Jackson, Francis M, Bob Ong, Dan Brown, George Carlin, Michael V, Larry Bird, Magic Johnson, Eraserheads, Grin Department, Wolfgang, Creed, Lourd De Veyra, Juan Dela Cruz, Joey "Pepe" Smith, Andy Mckee, Sungha Jung, Bon Jovi, Guns N' Roses, Aerosmith, Slash, Kuya Kim, Europe at marami pa talaga di ko lang maalala, idadagdag ko nalang pag naalala ko.
Mahilig ako mag DotA, magaling ba ko dun? Ewan ko nalang, itanong mo nalang sa iba. Pero malamang oo ang isasagot nila, pero hindi ko rin talaga alam kung magaling talaga ako o hindi lang sila marunong. Bago sabihan ng positive ang iba, tanungin muna ang sarili ng negative, halimbawa: Ang pogi mo naman! Pogi ba sya o pangit lang ako? Parang ganun.
Naglalaro ako ng FlyFF, Iblis Server, Megadeath Guild, Saklay name ng character ko dun, pero ginagamit ko pag DCGW si GeoMich24.
Ayoko nga rin pala sa mga napaka strikto at masungit ng wala sa lugar, basta lahat ng wala sa lugar ayoko. Lalo na sa mga teacher xD. Para sakin, di lahat ng teacher matalino, marami ngang bobo eh. Di mo na rin kelangan maging playing safe, hayaan mo silang magalit sa kung ano ka talaga kesa magustuhan ka nila sa hindi totoong ikaw. Ang dami ko na palang sinabi d ko pa pala nadedescribe sarili ko. Ahhhmm, di ako gwapo, at di ko na rin pinangarap, ulot muok ko. Di rin ako maputi, at di ko na rin pinangarap. Di rin ako matangkad, di ko na rin pinangarap. Okei na siguro un, un lang naman yata gusto mong malaman eh. Wahaha.
Simpleng tao lang ako, MINSAN! Marami akong bagay na pinaniniwalaan, pero mas maraming hindi. Di ko pangarap maging mayaman, dahil ayoko maging mayaman, gwapo, cute, matangkad, sikat, o kahit maging perpekto tapos hindi masaya. Okei lang magutom, pangit, walang pinag-aralan, batugan, inutil, walang kwenta, basta alam mo sa sarili mo na masaya ka at magiging masaya habambuhay.
Di rin ako maxado naghahangad sa mataas na grade, dahil para sakin, for convenience lang un, mas madali lang makakuha ng trabaho, yun lang yata. Pede na sakin ung pasang-awa o kahit 75 lahat ng grade ko okei lang, basta pasado. Ang mahalaga, mas may alam at mas may kwenta ako kesa sa mga mas mataas ang grade sakin.
Makulit ako, hahaha ang lagi kong tawa, kadalasan hehehe, minsan hihihi, never ang hohoho. Eh bat nga ba ako ganito? Kung ako sayo, wag mo na kong pakielaman dahil iba ako sayo.
Ah naniniwala talaga ako sa sinabi ni Bob Ong na "Ayokong masanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko." at naniniwala rin talaga ako na mahirap gawin yon. Mahirap kaya kung wala kang cellphone at walang computer. Eh lalo na dun sa mga may bisyo.
Nung second year ako, di ko makakalimutan tong teacher na to dahil araw-araw nya nalang kaming pinagagalitan. Ang tawag ko na nga dun ay "misa" at ang tawag ko naman sa mga kaklase ko ay mga banal. Hindi ko maintindihan kung bakit nya kelangan gawin un, tingin nya ba natututo kami sa ginagawa nya? Isa ba iyon sa mga lesson namin o baka naman subject na namin un. Salamat naman at naisipan nya nang mag retire ngayong third year na ko. Pero naging teacher ko pa sya nang 1st quarter up to 2nd quarter (partly) dahil nag retire sya malapit na matapos 2nd quarter namen.
Ayun, may bago kameng teacher sa A.P. dahil nga nag retire na ung teacher kong un nung 2nd year pa ko. Ewan ko lang kung ang apelyido nya eh Rubino, Robino o Rubiño. Sa isang linggong pagtuturo nya sa section namen eh sabi ko sa sarili ko na pede na tong teacher na to, di hamak naman kumpara sa dati. Astig sya magturo, siguro ung ididiscuss ng ibang teacher ng isang oras eh 10 minutes lang sa kanya. Sadly, umalis din siya pagtapos nung week na yun. Sa College Department na raw sya mag tuturo. Wala naman daw siyang magagawa dahil bago palang siya sa school. Easy come, easy go.
And here we go again, hahaha.. It's been a long time since my last visit here. Ang dami na ring nagbago sa akin. Bakasyon na ngayon, magiging 4th year na ako. Pero yung last update ko panahon pa ni Mr. Magulo ang apelyido. Hahaha.. Hindi parin ako sure about dun sa pangalan nya dahil hindi naman niya sinabi yun samin. This time, habang nanonood ng "Matang Lawin" ni Kuya Kim.. Today is Black Saturday, which I didn't care for by the way. Tinatalakay ngayon sa Matang Lawin ay tungkol sa paghihirap ni Hesus. And now it's clear for me na totoo pala siya/yun. Pero di talaga ako naniniwala sa diyos. Oo, marami pang hindi napapaliwanag ang siyensya. Oo rin, maraming hindi kayang ipaliwanag ang siyensya, pero marami itong kayang ipaliwanag at naipaliwanag na. Hindi katulad ng relihiyon na para sakin ay wala pa talagang napapatunayan. At para sakin, hindi sapat na dahilan ang mga tanong na hindi pa kayang sagutin sa ngayon at marahil hindi talaga kayang sagutin, para masabing may diyos na. Sa madaling sabi, hindi porket hindi na masagot ang tanong ay diyos na ang idadahilan mo dito. Sa bagay, marami nga 'yon, yung mga tanong na hindi kayang sagutin, pero sigurado ako na ang nag-iisa't natatangi nilang sagot sa mga tanong na yun ay "diyos". Na hindi rin naman nila kayang patunayan na "diyos" nga ang sagot.
Isang magandang umaga, hapon, o gabi sa inyo! Grabe. Oo grabe. Tama yung nabasa mo GRABE talaga. Hahaha... Ngayong year lang ako medyo kinabahan sa kuhaan ng card. Medyo tagilid naman kasi talaga ako sa English. Zero balance ako dun. 77, 76, then 72. Average nun 75. Kaya kung saka-sakaling binagsak nya ako at binigyan nya ako ng kahit 74 man lang. Kelangan kong i summer yon. Kahit 74.75 yung average ko sa English. Kelangan ko parin talagang ipasa yon. Balita ko sa mga kakilala kong nag sa-summer eh nagsisisi at hinayang na hinayang. Ayoko naman maging ganon kahit papano dahil gusto ko rin naman mag bakasyon. Naholdapan ka na raw ng dalawang libo magdurusa ka pa sa klase. Depende nalang kung may seksi at cute kang katabi. Tapos may aircon pa. Kaya bawas pagdurusa naman kahit papano. Syempre bihirang may ganon. Dagdag bayad pa siguro yun dahil aircon. Wag nalang. Dun ka nalang sa pinakabababa :)) Eh kaso pasado ako. 77 yung huling binigay saken.
So ano na? SYEMPRE IT'S CELEBRATION TIME! Hahaha.. pero etong topic na to di naman to tungkol sa bakasyon ko. Dahil hindi pa naman talaga ako nakakapag bakasyon. Balik tayo dun sa klase ko. Let's start with the teachers! First subject Math. Codename: Mr. Rexona (Adviser namin). Malamang nagtataka kayo kung bakit Rexona. Wala lang, trip ko lang sya tawaging Rexona. Okay na okay saken tong teacher na to. Hahaha.. In terms of teaching, okay parin sya saken. Ginagawa nya naman trabaho nya. Nagtuturo sya. Tama yung tinuturo nya. So walang problema. Kung meron man, sa istudyante na yon. Kwela siya. Hahaha, masaya siyang teacher. PROMISE! Kengkoy na kengkoy. Tapos ang gusto ko pa sa kanya walang pilitan :) Kung di ka papasok sa klase nya, okay lang. Hahaha.. madalas ko ngang hindi pasukan to eh. Isa siya sa mga favorite teacher ko. Sabagay, dalawa lang naman sila. Siya at yung Science teacher ko nung 1st year. Hahaha.. kaya sir kung mababasa mo man to, FULL TANK KA ! RAMBO KA ! with hand sign pa yan... remember?
Next, Computer. Ang teacher, ay si Ms. Black Lady. Black Lady dahil mahilig sya sa black. Teaching skills, I think something is lacking. I just don't know what it is but there is something that is really lacking. She teaches well, but we're noisy in her class. It's kinda, we're not disciplined. But we are! Hahaha.. it's a little bit funny but it's true. And a little bit irritating. She's good. She knows what she is teaching. Unlike other teachers, even though they were teaching their subject for so many years, still they're not master in their subject. I say not master because in many years of teaching that subject, sometimes, they're not sure on what they are teaching. In a way that they will look into the book to assure that they are right. But they are using the book since they have been teaching! So a little information about Ma'am Suan, I think she likes black. She really do. She's young. She's not more than 29 years of age (as of now).
Next subject, MAPEH, Mr. Three Pointer. Hilig nya kasing magpasikat. As a teacher, I will rate him. 1 to 10. 10 is the highest. He is 4 or 3. Mahina boses nya. Tamad. Di sya ganon kagaling. Hindi naman talaga sya magaling. Ewan, wala akong masabi sa kanya. May galit pala saken to. Bias ang desisyon pag involve ako. Pero mga opinyon ko lang yan. Pero malapit lapit na rin naman sa katotohanan yan.
Next subject AP. Yeahhhh!! Araling Panglipunan. IIITTT ROOOCKKSS!! Pero joke lang yon. Mr. Jet Li (not his real name), here we go. HANDA KA NA BA? Wag kang kabahan. Oo, wag kang kabahan. (As if naman na mababasa nya to. LOL) Pero kung saka-sakali rin na mabasa mo to. Oo totoo yun. Wag kang kabahan, dahil wala naman ako masyadong sasabihing masama sayo. Let's start describing him. Jet Li, unang dating palang sayo ng word na yan syempre kahit papano may clue ka na no? Pag may makikilala kang tao na pinangalanang Jet Li, unang maiisip mo syempre Chinese yan. Ewan ko, kung Chinese talaga sya o kahit may lahi man lang. Pero mukha naman syang Chinese. Maputi, singkit ang mata, ahm.. yun lang naman yata okay na para mag mukhang Chinese =)) At isa pang unang naaalala ko sa kanya, yung sapatos nyang maputi at matulis. Tapos teternohan nya pa ng kulay itim na pants na palobo sa may bandang binti hanggang hita. Sabi ko nga eh, lipstick nalang kulang.. clown na =D Okay, enough, oh wait, may isa pa pala, yung sayaw nya :DD basta, baka si Chester maalala pa yun kahit papano. Teaching skills, its fine. Wala ring pilitan. Kung di ka papasok sa kanya, okay lang. Alam rin ang tinuturo. Sure sa bawat sinasabi, at kung hindi man, sasabihin nya na hindi sya sure. One thing I like on him, alam nya yung sinasabi nya, kaya nya itong panindigan kahit hanggang korte pa. Kaya nyang harapin ang mga sasabihin ng mga estudyante about dun sa grade na binigay nya. Kaya nyang pangatwiranan lahat yun.
Next subject T.L.E. teacher si Mrs. Washing Machine. Why Washing Machine? Medyo related kasi yun sa apelyido nya. Wala naman akong masyadong masasabi sa teacher na to kasi, wala rin naman syang pagkukulang. Nagtuturo naman sya. Matututo ka naman kung makikinig ka. Pero di ako nagagalingan sa kanya. Sya yung tipo ng teacher na dumidepende sa libro. Para sakin ganun sya. She knows the topic, but not fully, may kulang pa rin sa alam nya, pero alam ko namang nakalimutan nya lang yun.
So next subject Science. Mrs. Emperador. Emperador kasi medyo related din yan sa apelyido nya. Matalino sya. Magaling. Yes, you heard it right. Magaling sya. Matututo ka sa kanya. Pero tamad sya para sa akin. Ewan ko kung nagiging bias lang ako kaya ko nasasabing tamad sya. Ako kasi yung presidente ng klase namen. So marami syang pinapagawa hindi lang sakin pati sa iba ko pang kaklase, officer man o hindi. Yung sinasabi ko naman na marami syang pinapagawa ay yung tipong pag che-check ng test paper, pagbigay ng index card (yun yung nagsisilbing record :D), pagche-check ng project, at marami pang iba na pede mong maisip eh sa iba nya pinapagawa. Hindi naman lahat, pero halos lahat. Siguro 95% ng pedeng ipagawa sa iba eh ipagagawa nya. Ganun naman siguro talaga. Utak-utakan lang yan lalong lalo na kung uutusan mo yung mga taong hindi makakapag reklamo :)).
Pagtapos non Filipino na. Mr. Center Justified. Minsan kasi nagpa project sya na kelangan nasa gitna talaga yung mismong text. Yung tipong pantay yung nasa taas sa baba. At kanan sa kaliwa. Pag tinupi mo into half yung papel, dapat pantay yung text. Alam ko ng buong buo yung pangalan nya kasi minsan may project syang ipinagawa na dapat yung pagkakasulat o pagkakalagay sa pangalan nya eh yung buong pangalan nya talaga. Wala talagang pakielamanan yan, teacher sya eh. Ikaw na mag teacher. Tamad rin sya para sakin. Alam ko na magaling sya. Maraming alam. Pero kung inaakala nya na lahat ng estudyante eh nasisipagan sa kanya eh nagkakamali sya. At kung inaakala nya rin na lahat ng estudyante na tumatango-tango lang eh laging sang-ayon sa kanya, eh nagkakamali ulit sya. Porket alam nyang wala namang magagawa ang mga ito. Alam kong medyo alam nyang ganito ako. Pero hindi naman sya sure. Para sakin hindi sya marunong tumingin ng mga tunay na magagaling. At hindi rin nya alam ang pinagkaiba ng magaling at matalino lang. Hindi ko nasabi yon dahil hindi magaling ang pagtingin niya sa akin. Kundi yun ang totoo. Magalingan ba naman sya sa mga estudyante na sumasagot sa mga tanong na akala nya ay mahihirapan kami. Ewan ko nalang sa mga kaklase ko. Baka naman kasi talagang nahihirapan sila. Pero hindi yun mahirap para sakin. Hindi ko lang talaga sinasagot. Wala naman kasi akong mapapala kung sasagutin ko. Fame? Hindi ko kailangan. Konting logic lang naman gagamitin mo masasagot mo na yung mga tanong na yun. Medyo naging mayabang ang dating ko sa mga sinabi kong yun pero totoo at yun talaga ako. Its better to remain silent and be thought a fool than to speak out and remove all doubt.
Last subject namin ang English. Si Ms. English Violator. May rule kasi kami sa room na yung mga magsasalita ng ibang language eh pahahawakin ng isang bagay na magsisilbing palatandaan na sya ay isang violator. Tapos yung huling violator sa araw na yun ay may kaparusahan kinabukasan. Isa pa to. Hindi sya naniwala sa sinabi kong hindi ako nagagalingan sa kanya at nakukulangan ako sa teaching skills nya dahil inisip nya lang na nagiging bias ako dahil lagi nya akong sinesermonan at tinitira sa bawat banat nya. Oo alam ko matalino sya. Pero hindi talaga sya magaling. Ewan ko ulit sa mga kaklase ko kung magaling sya. Pero para sakin talaga hindi sya magaling. Alam nya ang tinuturo nya. Alam nya ang subject. Alam nya lahat. Pero para sakin, hindi nya talaga to kayang ituro sa amin. Hindi yung matututunan namin ng buong-buo. Yung tipong alam na talaga namin yung tinuro nya at walang parte doon na hindi namin alam. Minsan tinanong nya ko kung magaling daw ba ako sa subject nya. Natanong nya yun kasi tinutulugan ko sya. Hindi ko nalang sinagot. Hindi sa ginagalang ko sya kaya hindi ko sya sinagot nung mga oras na yun. Kundi alam ko namang sasabihin nyang "talaga?" o kaya "then prove it to me" o pede rin "You're not". Kayang kaya ko naman syang sagutin ng "Yes, I am" ng walang basehan dahil hindi ko naman yon kelangan patunayan at magaling naman talaga ako para sa akin, ewan ko nalang sa iba. Siguro sa mga may alam rin, magaling ako. Pero kung sa mga matataas lang ang grade at tango lang ng tango sa mga teacher, eh wala ako. Pero ngumiti nalang ako at natulog ulit.
At dyan nagtatapos ang tungkol sa mga teacher ko. Hindi ako basta-basta maniniwala sa mga pinagsasasabi ng mga teacher ko lalong lalo na kung alam kong hindi naman sila ganon kagagaling.
Malamang nagtataka rin kayo kung bakit nasa iisang blog entry lahat to. Pede nga naman akong gumawa ng bago. Kaso ayoko. Gusto ko kasi syang gawin na parang isang nobela. Yung tipong marami raming scroll down ang gagawin mo kung balak mo pang basahin yung mga kasunod. Medyo mahaba haba na rin pala narating mo kung naka abot ka dito. Second day ng school ngayon. Pinroklama na rin ngayon ang pagkapanalo ng bagong presidente at bise presidente. Kung iniisip mong may mangyayaring pagbabago sa pamumuno ni Mr. Psychiatric Report, there's something wrong in your head. I'm a Gibo supporter by the way.
Gusto kong ikwento dito yung isang teacher namin, itago nalang natin sya sa pangalang, Mr. Jacquet. Teacher ko siya sa Physics. Gustong gusto ko sya. The way he thinks. The way he is. His discipline. And many more. Lalong lalo na yung sa part na discipline. Naikwento kasi sakin minsan ng isang teacher ko nung.. Di ko na maalala kung 2nd year ba yun o 1st. Na hindi siya kumakain ng balat ng manok dahil mataas ito sa cholesterol. Siya lang ang bukod tangi kong kilala na kayang itapon ang malulutong na balat ng manok ng Jollibee. Tapos, ayaw nya rin sa mga Chinese products. Na dapat naman. Bukod sa masama ang pamimirata, masama naman kasi ito sa katawan. Sinabi nya na unti-unti tayong nilalason ng mga intsek. Unti-unti tayong pinapatay. Sinabi nya rin samin na tinawag tayo ng taga ibang bansa na "Land of Idiots". Na may kasunod pang "And we're proving them right!". Kahit na sinabi ng DOH na delikado ang produktong made in China, eh sige pa rin ang bili nating mga pinoy. We still go to Divisoria. Eh mura eh.
Sa Math and Science pa raw, we rank 2nd. Second to the last. Out of 47 countries. Pang 46 tayo, nangunguna ang Singapore, kasunod ang Hong Kong. Dito lang din daw yumayaman ang mga intsik. Sa ibang bansa raw, naghihirap yang mga yan. Sinita nya rin ang pagtawag natin sa mga Fil-Am, at iba pa. Dito lang daw may ganyang tawag. Sa America, kapag citizen ka nila dun, American ka. Kahit may dugo kang Pilipino. Nagbigay rin sya ng isang sitwasyon sa China na nagkaron ng malaking problema sa mga peste. Nagsisimatayan ang mga manok nila dun. Pabo, itik, bibe, manok, at pato. Nagkaron ng malawak na epidemia. Ang sabi ng kumbaga DOH nila dun, sunugin o ibaon sa lupa. Sabi naman nung mga sira-ulong inchek, NO! WE'LL BRING THEM IN THE PHILIPPINES. Ayun. Binenta. Apat na kilo 100. UBOS. Nag uunahan pa. "Kawawa talaga ang mga pinoy" dagdag pa nya.
May binanggit rin sya tungkol sa nanalong Mayor ng Manila. "Sige pumatay tayo ng mga drug pusher. Para iboto nila tayo." Pilipino pumapatay ng mga kapwa Pilipino. Bat yung mga pusher ang pinapatay. Dapat ang pinapatay yung mga drug dealer na mga intsek. Kung walang dealer, walang pusher. Tapos yung pinagawa ni Atienza inalis nya kahit magaganda. Yung tinayo nyang unibersidad gustong palitan ng pangalan. Kung lahat lang sana ng tao ganyan mag isip.
Ngayong porchir na ko, medyo sinipag akong mag update ng blog ko. At gusto ko na itong araw-arawin. Nararamdaman ko ang parehong pakiramdam na naramdaman ko 2 years ago. Same room kasi ang ginagamit namin noon at ngayon. Parehong environment, halos walang nagbago. Salamat nalang sa kumontrata para magkaron ng konting pagbabago ang High School Building — pati na ang tuition namin. Sa dinami-rami ng mag-aaral sa NTC, kami pa ang pinalad na sumagot sa kontratang yun. Sana naman next year na sila nagtaas ng tuition at bakit ba ngayon pa nila naisipang ayusin ang building na iyon. Pero, wala na tayong magagawa. Sabi nga nila mababa na yung tuition namin kumpara sa mga private school na pumapaligid sa amin. Mababa naman talaga, kahit saang anggulo mo tignan, mababa talaga. Pero sayang pa rin talaga. P1000 rin yun. Pede naman nilang next year na ayusin yun at yung mga incoming porchir na ang bahala.
Pinagtataka ko lang kung bakit ang mahal mahal ng tuition sa mga Catholic School na yan. Kapal pa ng mga pagmumukha nyan, tax-free. Kung facilities, hindi naman sila ganon kaganda, hindi rin ganun kapangit. Bukod sa may aircon ang bawat room don, kung tutuusin wala namang pinagkaiba yan sa ibang school. May internet ba sa Computer Lab nila? Bigaten ba mga specs ng computer nila? Buti kung 19" LCD monitor yun. 2 gb RAM. 1gb vid. card. Optical mouse. At kilalang housing. Dagdagan mo nalang ng headset, at bantay. PRESTO! May computer shop ka na. Mag issue ka lang ng mga promo para dumami ang suki mo at madagdagan ang customer mo.
Malas ko nga lang ngayon dahil teacher ko pa rin yung ibang teacher na ayaw ko nung nakaraang taon. Sina Mrs. Washing Machine at Ms. English Violator. At mukhang madadagdagan pa sila. Malas lang rin ng mga teacher ko ngayon dahil sila ang naisipan ko na gawing official subject sa blog ko ngayon. Ngayon lang, dahil baka next school year, iba naman. Araw-araw na kong may isusulat at alam kong magiging exciting to :))
Pag binabasa ko yung mga naunang sinulat ko (long ago), nakakatuwa na nakakatawa malaman mo na ganun ka pala dati. Nag-iiba ang ilan sa mga opinyon mo, naaalala mo pa kung bakit mo nasulat yun, ano ka nung sinusulat mo yun, at marami pang iba.
Sabi ko nga, sinisipag akong i update tong blog ko. And this will be the official start. Simulan natin sa mga officer. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ng iba na maging officer sila. Sa totoo lang. Kung ako ang tatanungin, ang pinakagusto ko lang na posisyon. TREASURER. Ang pagkaka-intindi ko kasi kapag sinabing officer, parang ikaw/kayo yung boss. Kaso parang baliktad yung nangyayari. Ang officer samin, sila madalas inuutusan.
Pag president ka, obligasyon mong sawayin ang mga kaklase mo. Dapat NAPAKA masunurin, NAPAKAsipag, NAPAKAgalang, NAPAKAbait, matalino, matalino lang. Kapag NAPAKAtalino, baduy ka na nun. SOBRANG mapag-pasensya, NAPAKA open-minded, at lahat na ng NAPAKAbuting katangian dapat nasayo. At higit sa lahat, BAWAL KANG MAGREKLAMO AT TUMANGGI. At kung may kailangan kayo, o kahit anong concern about sa section nyo, ikaw ang unang hahanapin. At kung magagalit ang adviser nyo dahil nagkaproblema ang klase nyo, ikaw ang may kasalanan. Ikaw ang dapat sisihin. Ikaw na lahat.
Vice President: Halos ganun din. Kung may naiutos na sa president, at kelangan pa ng taong mauutusan, ikaw na yun. Dapat hindi kayo nagkakalayo ng katangian ng presidente. Ang pinagkaiba lang, pag nagalit sa inyo yung teacher nyo, hindi kasing tindi ng galit na matatanggap ng presidente ang matatanggap mo. Bawas lang ng KONTING KONTING KONTI. Pero ang trabaho lang naman ng bise presidente maghintay na mamatay yung presidente.
Secretary: Naku. Kung may posisyon na kailangan ng SOBRANG TINDING KASIPAGAN at PASENSYA, eto na yun. Kapag tinamad kasi magturo yung teacher nyo, ang gagawin nyan, pakokopyahin kayo. Oh syempre, may kokopyahin. Pag may kokopyahin, kelangan may kokopyahan. At ikaw ang magsusulat nun sa blackboard. Take note: Bawal ka rin tumanggi. Trabaho mo rin ang pag check ng attendance.
Treasurer: Para sakin ito na yung pinaka pedeng maging posisyon sa lahat ng alam mong posisyon. Sa lahat kasi ng posisyon, ito lang ang may SWELDO. Oo, may SWELDO. Ang gagawin mo lang naman ay maniningil o mangongolekta. Kapag may contribution na magaganap, ikaw ang mangongolekta. Kapag may bayarang magaganap, ikaw rin. Gandang posisyon neto, grabe. Daming pedeng pagkakitaan. Test papers, photo copy, christmas party, contribution para pagandahin ang classroom nyo at lahat na. Hinding hindi ka tatamarin at magsasawa. Kahit manghingi pa ng resibo yung teacher nyo. Dalawa pa naman major exams namin bawat grading period. Laging hinihingi nila P3 per subject. 9 subjects yun, bali P27. Eh yung ibang subject P2.50 lang eh. 40+ kami sa klase. 40 * .5 = P20. Isang subject palang yung P2.50 nun. Pag tatlo, P60. Bigyan mo nalang ng P20 yung Auditor nyo oh yung assistant mo para di na magsalita. Exams palang yan. Iba pa yung sa mga long test, unit test. Pag long test kadalasan isang page lang. .5 lang kasi pagpapa photocopy per page. Kadalasan piso binabayad. Another P20 nanaman.
Auditor: Parang treasurer din, pero ito yung nagmamanage kung pano gagastusin yung pera at kung saan. Mas mababa nga lang ang sweldo nito sa treasurer.
Bus. Manager: Hindi ko alam kung anong silbi neto sa klase namin.
P.R.O.: Ganun din. Wala ring ginagawa.
Escort at Muse: " " " " "
Moving on. Punta tayo kay Mrs. Washing Machine. Nasabi ko na naman na teacher ko sya sa T.L.E. . Kaya minsan may topic kami about health o nutrients di ko lang sure. Tinanong nya minsan kung saan tayo makakakuha ng protein o ano yung mga protein-rich foods. May sumagot na kaklase ko. Sabi nya "meats". Ang pinagtataka ko lang, tinanggap nya pa rin yung sagot nung isa kong kaklase na "fish" na sinundan pa ng pork, beef, chicken. Para sakin, mali na yun. Kasi under na siya dun sa meat na sinagot nung una kong kaklase. Nagbigay na ng general na sagot yung isa at tinanggap mo naman, tapos tatanggap ka pa ng specific answer na under naman dun sa sagot nung nauna. Ayon kay wikipedia, meat is animal flesh that is used as food.
Water. Ano nga ba ang tamang pronunciation? Nagkasuntukan kasi yung dalawang pronunciation nung teacher ko sa T.L.E. nung 1st year sa pronunciation ng teacher ko sa T.L.E. ngayong 4th year. Ang sabi ng nauna, ang tamang pronunciation ng water ay "wota". As in WOTA. Para kang karatistang nabaliw. WOTA. Tapos ang sinasabi naman ng teacher ko ngayon, ang tamang pronunciation ay "woter". Sino nga ba ang tama? O may tama nga ba? Pero ayon kay Merriam Webster, ang pronunciation ng water ay \ˈwȯ-tər, ˈwä-\ . Hindi ko pa rin alam kung ano ang tama dahil hindi ko maintindihan.
Excreation. Ano ang excreation? Yun ba yung "dating paggawa"? Pero ang sabi ng teacher ko sa T.L.E. ulit, ang excreation daw ang proseso ng pagtanggal ng dumi sa katawan. And it is pronounced as "eksrisyon". Ang sabi naman ni wikipedia: "Did you mean excretion?" Ito pa, bowel. Ayon sa kanya, ito ang lumalabas sa ating pwet (dugo yata?). Napa-isip rin ako kung ano ang tunay na ibig-sabihin ng LBM. Loose Bowel Movement. Totoo kaya yun? Bowel = Gerbox? Pero ayon ulit kay wikipedia, ang bowel ay ang intestine. BITUKA PALA YON! Anak ng tipaklong.
Dumako naman tayo kay Ms. English Violator. Nakakabadtrip nga naman yung mga taong ganito ang slang: Finished = finisd. Tapos minsan di mo maintindihan kung ang tinutukoy nya ba ay peace, fist, peas, o piss. Wer's da nis? *student points his knees* Nonono, the nis. Huh? The nis! Yu don't now wer's da nis? It's in da tri!
Tapos ang malala pa may "fi" at "ep" defect ang teacher nyo. Naku laking katatawanan nyan. Pacebook Fropile. Prame. Plame. Pilifins. Defartment. Meron pa, "vi (b)" at "bi (v)" defect. Voredome. Wild Voar. Vahay. Cluv. Teacher ko pa naman sya sa A.P. Tapos news reporting, tungkol yata sa bagong curriculum yung ni report ng kaklase ko. Di ko mapigilan yung tawa ko tuwing binabanggit nya ang salitang "DepEd" Ewan ko kung anong meron dun pero di ko talaga mapigilan ang pagtawa sa tuwing binabanggit nya yung salitang yun. DefEd.
Gusto kong pag-usapan yung tungkol naman sa mga nakakabobong tanong ng mga teacher. Nakakabobo sa iba't ibang paraan. Ganito kasi yun. May pinapapagawa sa inyo yung teacher nyo. Tapos medyo maingay na sa classroom nyo. Itatanong nyan: "Tapos na ba?" Isasagot naman: "Hindi pa po." Bago pa matapos yung sagot at hindi pa nasasabi yung last 2 words, sasabihin nya to: "Oh hindi pa pala eh. Bat nag-iingay?" Automatic yan. Pag tinanong nya yun, ganun ang kasunod. Meron din pag pinasusulat kayo, tapos naging maingay. Tatanungin kayo "Ano ba ginagamit sa pagsusulat? Bibig o kamay?" Kadalasan walang sumasagot sa tanong na yan. Kaya magsasalita ulit yung nagtanong "Diba kamay? Eh bakit ang iingay nyo?" Hindi ko alam kung bakit kadalasan hindi sumasagot yung mga estduyante pag tinanong sila ng ganun. Syempre alam naman ng lahat na kamay ang ginagamit sa pagsusulat. Try mo kaya gamitin yung bibig mo. Bukod sa mahihirapan ka na, magmumuka ka pang baliw. NAKAKABOBO! Isama mo na rin yung lakasan nyo pa. Sa kabutihang palad, wala pa namang sumusunod sa teacher kapag inutusan sila ng ganun. Ang ingay-ingay diba? Tapos magsasalita bigla yung teacher nyo, "Shhh. Sige, lakasan nyo pa."
Pronunciation. Iba-iba pronunciation ng mga teacher ko sa iba't ibang salita. Tulad nalang nung water. May mga sarili pa silang slang. Yung iba, nag-iinarte lang. Pasosyal. Yung iba naman, ewan ko nalang. Iko-correct ka pa. Wala namang masama sa pag correct sayo, kaso, pag sinunod mo yung isa, mali ka na dun sa isa. Kaya ang dapat gawin mo, kabisaduhin mo ang accent nila! Kung may siyam kang teacher, may siyam ka rin dapat pang alamin na accent. Kung ang English ay may American at British accent, dapat, meron ka din! Iba nga lang. Pede mo syang tawagin depende sa kung anong gusto mong itawag sa kanila. Para mas madali, pangalanan mo ito depende sa pangalan ng teacher mo. Kung pangalan ng teacher mo Ernesto Batumbakal, pede mo nang tawagin ang accent nya na Batumbakal accent. Para mas madali.
Bias na teacher. Iniisip ko palang naiirita na ko. Basta pag naranasan mo magkaron ng ganitong teacher, isusumpa mo yung teacher mo pati yung subject nya. Sa totoo lang, maraming ganitong teacher. Parang yung teacher ko sa Filipino (4th year). Pag ang image mo sa kanya, makulit, hindi matalino, aba. Makakaramdam ka ng matinding diskriminasyon. Kahit wala kang ginagawang masama, masama ka pa rin. At wala kang opinyon na tama. Lahat ng opinyon mo, mali. Kahit maganda yung point mo, wala yung dating sa kanya. At pag yung matalino na ang nagsabi ng opinyon mo, (pero iibahin nya yung words para hindi parehong-pareho, takot yata makasuhan ng fladyarizm) tama yun. At makakatanggap pa sya ng masigabong palakpakan sa mga kaklase mo dahil ipinag-utos yon ng teacher nyo. Tapos minsan, basta hindi ka mukhang matalino, at nagtanong ka. Hindi ka nya papansinin. Dahil ang akala nya walang kwenta ang itatanong mo. Kung madadala ko lang tong PC to sa school sobrang dami ko nang nasulat.
Kayo ba? Naaalala ko lang yung pinsan ko nung mga panahong dumaan si Ondoy satin. Tinanong nya yung kaklase nya dati na ex-GF nya kung ano nang lagay nila dun. Kasi sabi sa balita matindi yung epekto ng nagdaang bagyo sa lugar nung kaklase nya dati na ex nya. Ang sabi nung tinanong nya: via text "Okay lang kami. Kayo ba?" Tapos yun na nga. Kinwento nya samin. Eto intro: "Tinanong ko yung kaklase ko dati na taga Bulacan kung okay lang ba sila, kapatid yata yung nakasagot." Kami: "Bakit?" Pinsan: "Kasi ex ko dati yun, tapos nagtanong "Kayo ba?" Kami: "Shunga, kayo ba? Parang kayo? Kumusta naman kayo? Parang ganun yun." Pinsan: "Ah ganon ba yon. Kasi naman eh."
Tulad ng inaasahan, hindi ko rin nagawang mag update ng blog regularly. Napakarami talagang tukso sa mundo. Pag nasa school ako, sinasabi ko sa sarili ko na mag-aaral ako sa bahay, gagawin ang assignment, uunahin ang pag-aaral kesa sa paglalaro. Pero lahat yun, hanggang school nalang talaga. Pag last subject na, o kaya 15 mins before dismissal time, grabe. Hindi ko na nararamdaman ang sipag na meron ako bago ang mga sandaling yon. Pati nga pag update ng blog na to, tinatamad na rin ako. Pero gusto ko talaga mag update, kaso, ayaw talaga ako hiwalayan ng aking pinakamamahal na best friend.
Presidente ng Pilipinas. Naalala ko lang yung kwentuhan namin ng mga kaibigan ko nung bata pa ako. Siguro mga nasa grade 3 ako nun. Ang subject ay ano ang gagawin mo pag ikaw ang naging presidente? Pag bata ka talaga, napakababaw pa ng iniisip mo. Ignoranteng ignorante ka pa talaga. Hindi mo pa alam ang ekonomiya. Wala sa isip mo ang ibang batang natutulog sa kalsada. Wala kang pake kung pano pa sila nabubuhay. Hindi mo alam kung gano ka ka cute habang dala-dala mo ang bag mong halos mas malaki pa sayo. May isa ka pang bag na hawak. Tapos sa isang kamay mo, baunan. At ang tanging pino problema mo lang, ay pano mo masasagot ang pang-asar sayo ng mga kaibigan mo. Balik na tayo dun sa presidente ng Pilipinas. Naaalala ko nun ang sinagot ko, magpapatayo ako ng bahay na punong puno ng arcade.
Death penalty. Ikaw? Sang-ayon ka ba sa pagsasagawa nito? Kung ako ang tatanungin, hindi. Hindi porket relihiyoso ako at naaawa ako sa mga papatawan ng parusa na to. Sa katunayan, kung hindi mo nabasa yung part dito na sinabi kong hindi ako naniniwala sa diyos, at least ngayon nabasa mo na. Bago ko sabihin kung bakit hindi ako sang-ayon sa death penalty, may ike-kwento muna ko. A.P. time namin nun, nabuhay ang pagtatanong na kung sang-ayon ba kayo sa death penalty o hindi nang matapos ang news report. Ang report ay tungkol sa mga NPA. Ang sabi ng teacher ko, as in yung teacher ko talaga, ang dapat sa mga miyembro ng NPA ay pinaparusahan ng ganitong parusa. Sa kadahilanang sila'y pumapatay ng mga inosenteng mamamayan. At wala ni isa sa klase namin ang hindi sumang-ayon sa kanya. Lahat —Sumang-ayon na dapat patayin lahat ng NPA. Sinabi niya pa na hindi pag-suway sa batas ng Diyos yun. Iyon ay naaayon sa batas ng tao. Sinumbat niya pa na sinuway na ng NPA ang batas ng Diyos, kaya dapat, sila ay patayin. Syempre, ako naman, hindi na ako umapela. Magmumuka pa kong bida-bida. Ngayon, sasabihin ko na kung bakit hindi ako sang-ayon sa pagpapataw ng death penalty. Pero bago ko muna ulit sabihin, may isa akong tanong. Kung kayo ang nasa kalagayan ng mga NPA, ano mas katatakutan nyo? Ang pagkamatay o ang pagkakakulong ng mahigit 30 years? Syempre, kung ako yung NPA, mas katatakutan ko yung pagkakakulong habambuhay. Nakikipag barilan nga ako eh, tapos matatakot akong mamatay? Diba? Simpleng logic lang naman. Tsaka pag patay ka na, wala ka nang mararamdamang sakit o hirap. Pero pag nasa kulungan ka, for 30 years, naku, ewan ko nalang kung maging masarap ang buhay mo. Tapos kung maka survive ka naman ng 30 years, o bigyan ka ng parole ng presidente, wala ka nang babalikang buhay. Wala nang nakakakilala sayo. Hindi mo na alam kung nasan ang pamilya mo. Kaya dapat tayong mag-isip ng mas malalim pa.
Feeling pogi. Naranasan ko nang masabihan ng ganito. Ganito kasi yung pangyayari. May mga babaeng may crush sa akin. Hindi ko naman pinagyayabang yon. Tapos ang nangyayari, parang naiilang ako sa kanila. Kaya minsan kapag kinakausap nila ko, o kaya nag ha-hi man lang, hindi ko sila pinapansin. Tapos eto yung kaibigan ko, na kaibigan rin nila, lumapit sakin, tapos tinawag ako, "Ui, tawag ka ni iawodiaosd" tapos sabi ko, "Yaan mo siya." Tapos dun niya na sinabi na feeling pogi ka naman. Haays. Wala lang. Nabadtrip lang ako.
Punta ulit tayo sa mga teacher ko. Pag test, kadalasan, may mga tanong na sobrang hirap sagutin dahil yung sagot sobrang hirap maalala. Tulad nalang ng ano ang other name ng ecstacy? Tapos yung sagot, methylenedioxymethamphetamine. Badtrip yung ganun. Sobra. Itatanong niya sa mga estudyante niya yung klase nang tanong na hindi rin niya kaya sagutin kapag wala yung kopya nya. Tapos kami pa ang sisisihin. Hindi raw kasi kami nag-aaral.
You must have your priorities. Hello, magandang araw/gabi sayo na nagbabasa ngayon. Ang tagal ko na ring hindi na update tong blog na to. Sobrang dami nang nagbago saken. Ilalayo ko muna yung topic na to sa mga teacher ko o sa school ko. At wag mong isipin na kaya ako nag uupdate eh dahil sayo. Oo, tama. Ikaw nga ang tinutukoy ko. Hanep sa intro :)
Sige eto na talaga. Simulan na natin, maging seryoso tayo kahit konti lang. Sa sobrang dami na ng taong nakilala ko, ka close ko man o hinde, bilang ko lang sa daliri ko ang nagsabing wag pagbutihin ang pag-aaral. Hindi ko nga matandaan kung merong nagsabi saken eh. As in sa lahat talaga ng nakilala ko, lalong-lalo na yung nahihirapan ngayon sa buhay, nakilala ko man sila ng personal o hindi, o kahit sikat o hindi, at artista o anak ng mayor, halos sa isang punto lang din babagsak yung mga pinagsasabi nila sakin oh yung mga payo nila. Pagbutihin ang pag-aaral. Syempre meron din akong kilala na hindi nakapag college pero milyonaryo na ngayon.
Yung isang kakilala ko nalang eh hindi mo iisipin na yayaman, nagpapa libre pa sakin yun. Take note, bata pa ko non. Me mga tao lang talagang SWERTE. Pero kung hindi ka naman biniyayaan ng ganong ka swertehan, eh dapat talagang mag-aral ka. "Mag-aral kang mabuti" yan ang maririnig mo sa mga matatanda na hindi nag-aral ng mabuti. O kahit yung mga college palang ngayon, na nahirapan sa pinasukan nilang school dahil gravity ang grades nila, at lalong lalo na siguro yung mga fresh graduate na hirap na hirap kumuha ng trabaho.
We just have to accept it, grades are everything. Nasayo na yan kung mas gusto mo pa rin pumorma at maging cool sa paningin ng mga tao sa paligid mo. Nag yoyosi ka pa, umiinom, hindi pumapasok sa klase, nagdodota araw-araw, hindi gumagawa ng asaynment, tamad gumawa ng project, kumokopya tuwing may test, lahat na or in short, nagpakasarap ka ng buhay. Oo nga naman, sino nga ba naman ako para magsalita at umasta na para bang napakarami ko nang alam sa buhay. Sabagay, hindi ko rin alam.
Basta nagtataka lang ako kung bakit lahat ng kakilala kong hindi inayos ang pag-aaral nila eh nagsisisi ngayon. Kelangan mong magtiis sa school, ay teka, mas maganda siguro kapag sinabing "Kelangan mong mag enjoy sa school", pano diba? Ang hirap. Kung gusto ko lang din naman palang mag enjoy, bat sa school pa. Pede namang sa computer shop, sa mall, sa gimikan, kahit sa bahay mas mag eenjoy ka kesa sa school. Kaso kelangan talaga, sabi nga ni idol Bob "Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kapag hindi mo to inayos, limang dekada ang kapalit. Kung alam lang to ng mga kabataan ngayon walang gugustong umiwas sa iskwela." Not the exact words, pero medyo malapit na yung point.
So ang bottom line, you must have your priorities. Mas pipiliin mo bang, mag enjoy ngayon, gawin lahat ng gusto mo, mag computer, wag gumawa ng asaynment at pradyek, wag mag-aral, kung gusto mo mag drags ka pa, para sa hindi malamang kinabukasan, o mag-aral ka lang ng mabuti ngayon, gumawa ng asaynment, gumawa ng pradyek, mag recite, at sumipsip sa teacher para na rin sa ikabubuti ng buhay mo. At meron pa, kung masyado ka namang nasusubsob sa pag-aaral, wala ka ng pake sa itsura mo, nasayo pa rin yan, at kung masyado ka namang conscious sa itsura mo, at wala ka ng pake sa pag-aaral mo, nasayo rin ulit yan. Napakarami talagang choice, andyan pa yung mag-asawa ka na agad at magkaron ng limang anak. Basta walang sisihan kapag di mo na nagugustuhan ang mga nangyayari.
Marami pa kong pedeng ibigay na options, at alam kong marami ka rin. Pede mong pag sabay-sabayin, pero mas maganda kung ibabalance mo. And you must have your priorities and set them straight.
Just wanna share this.
Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.
Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.
Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating mga magulang sa pagpapaaral satin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong makaahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang pakialam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hang-on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award.
Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?
Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan.
Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo “Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba’t kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.”
Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na “Kaya mo yan, mag-aral ka lang,” pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?
Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang “TAKE 5 NA KO!!!” o “Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/etc.” Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na namang ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.
Kahit kalian, hindi naging problema sa “Star Student” na sabihing “Nay, bagsak ako.” at hindi kailanman sumagi sa isip nila na “Paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?” Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.
Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaabot sa prestihiyosong posisyon.
Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumagpak, muntik-muntikan nang masipa o yung sa lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral.Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.
Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang may patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?
Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari.Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba’t titigilan niyo yung pagti-tiyaga ngayon?
Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sisipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.
Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.
I’ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na ang umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na ang masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo.
Akin ang transcript na ito.
Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako.
This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor THAT TOLD ME THAT I CAN'T MAKE IT. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.
Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.
AUTHOR UNKNOWN.
Boring na teacher. Anak naman ng tipaklong. Saang school ba wala neto? Lahat ng school meron nito, sa lahat ng level! Pre-school, elementary, high school, college, masteral, doctorate, at kahit sa mga center at training camps. Swerte mo kapag isa lang ang ganito sa inyo. Pero sa sampung taon na ginugol ko sa pag-aaral ko eh wala talaga. Kahit nung kinder pa ko, naaalala ko lang talaga nung mga panahon na yun eh yung mga oras na naglalaro kami—sa loob ng room. Teka lang, boring nga ba ang teacher? Oh yung subject? Pede ring nasa studyante yun. Kaya ko nasabi yon kasi lahat ng subject nasubukan ko ng tulugan. Kahit sa mga pinaka nakakatakot na teacher pa. Mula sa pinaka nakaka antok na oras at subject hanggang sa pinaka nakaka antok na teacher. Teka, wala yata akong naintindihan don. Oh pede ko na ring sabihin na lahat ng naging teacher ko natulugan ko na. Kung ganun naman pala, baka nasakin ang problema. Pero hindi pa rin. Pedeng natulugan ko na yung teacher ko na yun dahil nagkataon lang na wala akong interes sa topic namin non, pede ring pagod ako, pero kung ganon, ang malas naman nung teacher ko sa AP nung 2nd year, pati na rin yung english teacher ko nung 1st year, isama mo na rin yung filipino teacher ko nung 2nd year din, lalo na yung english teacher ko nung 3rd year, pati pala ngayon, teacher ko pa rin sya sa english, isama mo na rin pala yung teacher ko sa AP nung 3rd year, anak ng tipaklong, yung teacher ko rin pala ngayong 4th year sa AP isama mo na rin. So pede rin talagang nasa subject. Hay nako, hindi ko alam. Kaya sinubukan kong alamin. Binigyan ko ang sarili ko ng isang napakatinding challenge! Ang challenge ay makinig sa teacher at panatilihin ang sariling gising! Hindi ko na nasubukan to dun sa teacher ko sa english nung 1st year at dun sa teacher ko nung filipino nung 2nd year. Nasubukan ko to dun sa teacher ko sa AP nung 2nd year, aba, medyo nakakayanan ko pa naman, pero ganun pa rin ang kinalabasan. Yung sa 3rd year din, medyo nakakayanan ko pa. Pati na rin pala dun sa teacher ko ngayon sa AP, infairness, HINDI AKO NAKATULOG! Pero ang matindi dito ay yung teacher ko sa english noong 3rd year at ngayong 4th year. Grabe, kahit anong gawin ko, kahit binigay ko na lahat ng makakaya ko, wala talaga, ang lakas ng kapangyarihan netong kalaban ko. Pero alam ko kakayanin ko to. Itinuturing kong isang napaka-laking pagsubok ang hindi pagtulog sa klase nya.
Natatawa lang ako sa mga ganitong uri ng teacher kapag sila yung tipo na nagagalit kapag may natutulog sa kanila. Aba, oo nga naman. Nakakabastos. Pero kung ako yung nasa kalagayan nung teacher, aalamin ko muna kung sino samin ang problema. Kaya ba sya natutulog ay dahil boring ako, oh dahil me sakit sya o napagod sya kagabi o kung ano pa man ang dahilan ng gagong studyante na yun na natutulog sa oras ng klase ko. Kung lagi siyang ganon, sa lahat ng teacher niya, as in lahat, ah well, malinaw na nasa kanya ang problema. Pero kung sayo lang, aba, mag-isip isip muna ng maiigi. Magbilang hanggang sampu bago gisingin ang bata. Joke lang. Hangang-hanga ako sa mga teacher na hindi tinutulugan ng studyante nila. As in oo, humahanga ako. Dahil para sakin, once na tinulugan ka nung studyante, wala ka ng kwentang teacher. Para sakin yon ha. Kung para sayo.... wala na kong pake don. At alam ko na naman na alam ng mga teacher na to kung inaantok na ang studyante nila. Hindi ko lang MAAROK! naks. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi pa nila gawan ng paraan yung napakalaking problema na yun na kayang gumunaw ng mundo. Para saken madali lang naman panatilihing gising ang mga bibong bibong bata. Epektib na epektib ang pagbibigay ng jokes. Pero kung korni, wag na lang. Nakaka irita lang. Tip: Mas maganda yung joke na hindi scripted. Mas nakakatawa yung mga simpleng banat lang, yung biglaan, na para bang lumabas nalang bigla sa bunganga mo. Na nanggaling pa sa pinakamalalim na parte ng utak mo. At tuwing nakakahuli ang mga bayaning guro ng studyanteng natutulog sa klase nila, gigisingin nila to at tatanungin kung bakit sila natutulog. Kung pede lang sana sagutin sila ng "Gago ka pala eh inaantok ako eh" maraming beses ko ng ginawa. Syempre konting utak lang naman. Matutulog ka ba kung hindi ka inaantok. Nagawa ko pang ipagmalaki na natulugan ko na lahat ng teacher ko. Aba, ang hirap kaya non. KELANGAN MO NG HINDI MASUSUKAT NA KATAPANGAN! :))
Lahat ng tao nagbabago. Narinig ko lang to sa isang mokong na kakilala ko. Joke lang. Basta sa kakilala ko, don ko sya narinig. Pinaniniwalaan ko yon. Isa yon sa mga kasabihang pinaniniwalaan ko yon. Parang mali yata yung sinabi ko. It's not easy to stay the same. By the way, you can't. You can't stay the same. You can't be the same person as you were couple of years ago. Or even months ago. Hindi talaga pedeng hindi ka magbago. Ang dami daming pedeng magbago sayo. Physical, emotional, mental, spiritual, environmental, and dental aspects. Hindi na kasama don yung huli. Dati 5 feet ka lang, ngayon 4 na kasi kuba ka na. Dati emo ka, pero ngayon rakista ka na. Dati hanggang fraction lang alam mo, pero ngayon alam mo na mag add. Dati naniniwala ka sa hindi mo nakikita, pero ngayon hindi pa rin. Dati.. hindi ko alam kung bakit ko nilagay yung environmental don. I expect more to come, and go, and change. Tingin ko mahahalata mo yun sa pinagsusulat ko ngayon. Dati medyo matatawa tawa ka pa. Pero ngayon, parang wala ng dating. Pati humor ko na apektuhan na. Na parang maong na kumukupas din sa paglipas ng panahon. Pero alam kong hindi pa ito ang huli. Naniniwala ako na kaya ko pang ibalik ang kahapon. Joke lang ulet. Hindi ko kaya yon. Kahit ikaw hindi mo rin kaya yon. Wag na tayong maglokohan, wag na tayong magpa ligoy ligoy pa. Tanggapin nalang natin ang katotohanan na ako ay isang pogi, at ikaw ay panget.
Problema. Lahat tayo meron nyan. Maliit o malaki, problema pa rin yan. Wala kang pan load, problema pa rin yan. Kelangan ma operahan ang ate mo, problema pa rin yan. Mula sa hindi mo na alam ang gagawin hanggang sa hawak mo na ang solusyon. Naniniwala ako lahat ng tao may problema, hindi lang may problema, alam ko marami tayo nyan. Kadalasan kinukumpara ko yung mga problema ko sa problema ng ibang tao. Pag may problema ako, tumitingin lang ako sa mga tao sa paligid ko. Iniisip ko, yang mamang yan, ano kaya ang mga problema nyan sa buhay. Iniisip ko palang kung ano ang problema nya, alam ko ng hindi ko kayang masolusyunan. Alam ko sa itsura nya na hindi nya na alam kung pano pa pakakainin ang pamilya nya. Samantalang yung problema ko, pano ko makakabawi sa huling laban namin. Kaya kadalasan, pinapabayaan ko nalang. Sinubukan ko pang humanap, nakakita ako ng security guard, iniisip ko kung umaabot ba ng kinse mil yang sahod nyan. Ano pa kaya kinakain nyan. Sa bawat paglingon ko, marami na kong pedeng ikumpara. Sa mga bata sa public school, kahit sa private, kahit mga empleyado, pati presidente, lalo na siguro. Kahit kelan, hindi ko pa naisip na magpakamatay. Kung yung mga tao sa paligid ko nakakayanan yung problema nila, habang ako na hindi ko na alam ang gagawin sa problema ko, na napakaliit kumpara sa kanila, alam kong kaya ko rin. At iniisip ko rin ang sarili ko, pano nalang kung nangyari sakin yung ganun, hindi ko na alam. Kaya sa bawat problema, may solusyon. Meron yan, hanapin mo nalang.
Sana hindi ka magbago. Sana talaga. Wala akong kilala na hindi nagbabago. Yung mga dating masama, mabait na ngayon. Yung dating mabait, masama na. Wala akong sinabihan nyan, kahit sino. Sana hindi ka magbago your face. Meron, "Hindi ka parin nagbabago" pero "sana hindi ka magbago" wala. Tulad nga ng sinabi ko, hindi pedeng hindi ka magbago. Pag nagbago ka, maraming maapektuhan. Lalong lalo na yung mga tao sa paligid mo. Dati nerd ka, tapos ngayon adik ka na. Sa pagbabago mo, marami kang matututunan. Dun mo rin malalaman kung sino yung mga taong nagmamalasakit sayo. Sabihin na natin na mabait ka dati, ngayon pumapatay ka na ng tao. Nagbabago nga diba? So pede ka pa rin bumait. Simple lang naman, pag may nagbago, its either, tinatanggap ko, o hindi. Kaya ang dahilan kung bakit hindi ako nagsasabi ng "Sana hindi ka magbago" dahil hinahanda ko nalang sarili ko sa mga pagbabago.
Anong silbi ng art? Musicians, poets, artists, painters, dancers, singers, actors and actresses. Sa "art" umiikot ang mundo ng mga yan. Ano nga bang silbi ng "art" na to? Kaya ba netong solusyunan ang problemang pang kahirapan sa Pilipinas? Natatanggal ba neto ang gutom sa kumakalam na tiyan ng mga naghihirap na pinoy? Hindi ko alam. Baka sila, alam nila. Baka ikaw, alam mo. Ano nga ba? At bakit kelangan pa itong isama sa school curriculum. Ano namang paki ko sa mga painter noon, at sa kung kelan sila pinanganak. Ano ring pakielam ko sa mga pinaggagawa nila, at kung anong meron dito. Me kinalaman ba ang mga musician noon sa kung ano ang gagawin ko ngayon? Art art art.. para saan ka ba?
Tuwing Monday, may flag ceremony kami. At sa flag ceremony na to, merong, pagkanta ng Lupang Hinirang, pagkanta ng school hymn, pagsasabi ng Panatang Makabayan. Ang pinaka wirdo lang ay kung bakit kelangan pa itong samahan ng kunwaring exercise—w/ music. Gusto kong malaman kung sino ang may pakana at kung anong trip nya sa buhay. Dati yung music lang sa exercise ay yung "Mag exercise tayo tuwing umaga" ni hindi ko alam kung sino. Pero ngayon, ang bigat na. OooOoO.
Nung elementary ako, akala ko yung principal ay parang panakot lang. "Sige dadalhin kita sa principal's office". Kaya sya naging panakot. Kami naman natatakot kahit hindi namin alam kung bakit kami dapat matakot. Na para bang wala syang ginagawa. Na dadalhin lang sa kanya yung mga batang may problema. Na naghihintay sa end ng office hours nya. Na nakaupo lang at sa tingin ko ay inaantok na. Na parang boss na walang ginagawa kundi maghintay sa pagsahod nya. Ngayon ngayon ko lang nalaman, ang dami palang ginagawa ng principal. Basta marami palang ginagawa, at mahirap maging principal.
Gusto mong ma-guidance? Aba oo naman. Tagalugin, gusto bang ma-pamamatnubay? Salamat Google Translate. Pero parang ganun na rin to, naging panakot na lang rin. Loko-loko ka, tapos dadalhin ka sa guidance. Papatnubayan ka, (salamat ulit Google Translate) edi babait ka. Pero bakit ganun, bat parang walang gustong mapatnubayan? (salamat ulit). Pwera nalang kung kasing cool nya yung Guidance Counselor na kilala ko. Kasi may studyante sa school nila, na pinasabog yung locker. Ang dahilan nung bata, natanggal yung buhok na iniwan nya dun sa locker, na nagsisilbing palatandaan kung merong nakapagbukas sa locker nya. At sa lawak ng imahinasyon ng batang to, naisip nyang baka may mapanganib na nilagay ang nagbukas sa locker nya. At ayun, pinasabog nung bata yung locker. Tinawag sya sa office ng guidance counselor para hingiin ang dahilan nyang yun. Ayun pinatawad naman nya. Tapos nagtaka yung kasamang babae nung studyanteng terorista kung bakit ganun nalang kung patawarin nung GC ang studyanteng walang hiya. Eto sinabi nya, kung ikaw ang nasa kalagayan nya, pedeng may lumabas na kung ano dun tulad ng nakalalasong amoy na pedeng pumatay sayo. Pede na kayong umalis.
Naalala ko lang yung sinabi kong mga nakaka asar na teacher na nagtatanong ng mga tanong na hindi rin nila kayang sagutin kapag walang kodigo. Meron din namang teacher na nagpapatest ng acronyms, secretary ng kung ano-anong department at chairman ng MMDA. At ang mabigat minsan, sinasama rin nila dun kung anong buwan, araw, at taon pinanganak si ganito. Pero kung walang wala na talaga silang maisip na tanong, isasama na rin nila kung san pinanganak. Ano namang kinalaman nung mga yun sa buhay ko ngayon. Ano kung December 30 pinanganak si Rizal. December 30 nga ba? Tapos ano ring meron kapag nalaman kong sa Calamba, Laguna siya pinanganak. Sinasama pa kasi sa History. Wala naman kaming mapapala. Pero interesadong interesado ako sa history ng kahit anong bagay, sinong tao, anong bansa, anong hayop, lugar o kahit ano pa sa mundo o kahit ano pa sa kalawakan yan. Interesadong interesado akong malaman lalong lalo na yung sa mga mababait na kriminal, naging successful na tao pero dati lugaw lang kinakain.. mga ganun. Kasi alam kong marami akong matututunan sa kanila. Pero kung sa mga teacher ko na gusto raw nila kaming matuto "talaga", na nakaka antok magturo, mas pipiliin ko pang mag-aral nalang mag-isa, kahit hindi ko gusto.
Hindi ko maintindihan kung bakit nagpapalit pa ng libro ang grade 1 at grade 2. Pedeng na uupdate, pero sa ibang subject lang pede yun. Parang sa Math, wala namang update na pedeng mangyari dyan eh. Hindi mo na mababago na ang sagot sa 1 + 1 ay 2. Pero sa Science, tingin ko eto lang ang libro talagang magbabago. Syempre maraming bagong natutuklasan. Pero kung sa English, Filipino, AP at iba pa, wala ka ng mababago dun. Sa english, di mo na mababagong ang plural ng apple ay apples. Sa Filipino, hindi mo na mababago na ang tagalog ng "We" ay "Tayo". Sa AP, pede pang magbago yan, kasi magpapalit palit pa ng presidente.
"Masdan mo ang mga bata." Naranig ko lang sa kantang "Itanong mo sa mga bata" ng Asin. Napakagandang kanta nun. Paulit-ulit sinabi ng singer ang mga words na yun. "Masdan mo ang mga bata. Masdan mo ang mga bata." Siguro dati pede mo pa gawin yun. Pero ngayon, baka hindi na. Try mo lang na gawin yun sa mga bata samin, mapapagti-tripan ka pa. Sasabihin ang sama mo tumingin. Masdan mo ang mga bataaa. Masdan mo ang mga bataaaa.
Ngayon, nanonood ako ng anime. Sa boxing umiikot ang storya neto. Ang nakakatawa dito, yung pang featherweight, pang heavyweight yung katawan. Yun lang talaga nakikita kong butas sa mga anime eh, masyadong exaggerated. Sa mundo ng anime, walang imposible. Makakakita ka ng taong lumilipad, hanep sa bilis, sobrang lakas, masyadong malaki, masyadong maliit, masyadong matalino, masyadong bobo, basta lahat ng pede mong ma-imagine andito na, walang limitasyon, walang imposible. Pero minsan maastigan ka rin eh, kasi dito mo lang talaga pede makita yung mga hindi mo pedeng makita. Hahaluan pa ng imahinasyon ng writer, at minsan nasa writer na rin kung me patutunguhan yung kwento o wala. Wala akong alam na anime na hindi exaggerated. Dito nga sa pinapanood ko, yung boksingero, may fans na mga bata. Yung mga batang yun gustong bumili ng bala ng video game nila. So ang pangako nung boksingero, ipapanalo nya yung laban, para maibili nya yung mga bata nung bala nung laro. Edi ang venue nung laban nila, sa kabilang bayan. Home court nung kalaban. Syempre, andun yung mga bata para suportahan yung manok nila. Tsaka ko lang naisip na kung wala ngang pambili ng bala ng video yung mga bata, pano pa sila makakapunta. Tapos ang only way para makapunta dun sa venue ay via train. Ang bigat talaga ng imagination ng writer neto. Sa anime na to mo lang rin makikita ang mga suntok na kayang magpatalsik ng tao sa layong dalawang metro na may timbang na mahigit 60 kg. Marami rin talagang butas. Lahat ng anime may ganyan. Sabagay, kaya nga anime lang. Pati na rin yung mga hentai. Dun ka makakakita ng 18 inches. At isang litro kung labasan. Kasi ngayon, may mga mala melon na, kaya pede ko ng hindi tawaging exaggeration yung mga naglalakihang dibdib ng mga characters ng hentai.
Kanina, nasa 7-eleven ako. Sa store na to kasi, maraming binebenta. Mas angat lang to ng konti sa sari-sari store. Makakakita ka rin dito ng mga de lata, tststschirya, at kung ano-ano pa. Pero sa store na to, may pang almusal sila, may pang meryenda, pede na rin siguro na pang tanghalian at hapunan. Tapos eto na, bumili ako ng slurpee, naks sosyal. Wag ka mag-alala, may tig pa-payb nun. Tapos self-service kaya pede mong punuin yung cup mo, pede mong paapawin hanggang pede. Eh katabi lang din nun yung self-service na hotdog sandwiTch at siopao. Tapos katabi nung hotdot at siopao, andun na yung tipong pang tanghalian, parang mga adobo, ganun. Edi eto na si ate, pagpasok, ang ingay nila, grupo pa sila eh, siguro mga nasa pito. Eto na ulit si ate, lumapit dun sa may lagayan ng pagkain. Tapos sabay salita "Ay oh! Bili tayo nun!" tapos etong kausap nya, sumagot, "Alin?". "Ayun oh! Yung LA-SAG-NA!" As in capital L A S A G N A. LA-SAG-NA. Ang tahimik pa naman nun, narinig sya sa loob. Grabe talaga nakakahiya. Napatingin na nga lang sa kanya yung mga kasama nya eh. Tapos tsaka nya lang napansin na halos lahat nakatingin na sa kanya. Grabe talaga hiyang-hiya yung babae, me itsura pa naman. Tapos yung pag-banggit nya pa dun sa word parang seryoso eh. As in walang halong biro. Inulit-ulit ng utak ko yung narinig ko. "yung LASAGNA" "yung LASAGNA" "yung LASAGNA".
Medyo may naisip akong dahilan para ipagpatuloy na sa iisang blog entry ko lang talaga ilagay tong mga to. Dati, kaya andito lahat to, ay dahil trip ko lang. Na parang sinabi ko nga, kung gusto mo pang mabasa yung kasunod, marami-raming scroll down ang gagawin mo. Dahil para sakin, ang buhay, ay isang mahabang-mahabang kwento, na may iba't ibang istorya. Parang isang nobelang maraming chapter. At matatapos lamang ang kwento kapag tumigil na sa pagsusulat ang author. Sa araw-araw na nabubuhay ka, ang dami mo ng pedeng isulat, kahit wala kang ginawa sa buong araw na yun. Mas maganda siguro kung may log book ang buhay. Dito nakasulat ang mga ginagawa mo araw-araw. Pati na rin yung mga naiisip mo, mas maganda kung automatic ng nasusulat. Kasi ang hirap makipag pabilisan sa utak. Hindi kayang habulin ng kamay ko yung bilis ng utak ko. I mean kapag may naiisip ako, hindi ko maisulat lahat dahil natatabunan ng natatabunan ang bawat idea. Ang sarap talaga halungkatin ng pagkatao ng isang tao. Mga pananaw at paniniwala sa buhay. Mga experience—sa kama man o hindi. Mga taong may tinatagong istorya sa likod ng bawat ngiti. Hindi talaga dapat husgahan ang tao sa ginagawa o ginawa nito, dapat natin silang husgahan sa kung bakit nila nagawa o nagagawa ito.
Eto yata ang first time na may isusulat ako tungkol sa teacher na to, itago nalang natin siya sa pangalang.. Ms. Hawk Eyes. Bakit naman Hawk Eyes? Grabehan kasi tumitig sakin to eh. Tapos, pag magtuturo sya, sasabihin nyang "May mga hindi talaga makuha sa tingin dito eh". Judgmental din tong teacher na to. Teacher ko siya sa MAPEH. Ang masasabi ko lang sa kanya, hindi siya magaling. Tamad din. Hindi rin siya matalino. Para SAKIN. "Napakayabang mo namaaaaaan. Sige na ikaw na matalino. Ikaw na magaling." Yan ineexpect ko na sasabihin sakin ng isang studyante nya. Pero wala naman akong pake kahit anong sabihin nya. Opinyon ko yan, wala syang magagawa. At kung yun din naman ang tingin ko sa kanya, wala rin siyang magagawa. Parang ako, wala rin naman akong magagawa kung ano ang tingin niya, nila, nyo, sa akin. "Pano mo naman nasabi yung mga yon?" Eto rin malamang kasunod nung unang sentence na sasabihin nung studyante nya. Sabagay, mas maganda kung may explanation. Simple lang naman ang dahilan. Dahil hindi nya yon napatunayan sakin. Yun lang. Ganun lang kasimple. "Bakit ikaw? Magaling ka ba? Matalino ka ba?" Eto naman yung sunod na tanong nung mapagmahal na studyante. Ang isasagot ko naman dyan, ano kung hindi? "Kaya wag kang ganyan." tapos, ang isasagot ko, "Wala ka ng pake. Kanya-kanyang paniniwala lang yan." Kaya kahit walang katapusan ang pagtatalo namin—namin nung mapagmahal nyang studyante, alam kong hindi ako matatalo. Dahil ako naman yung nasa tama, bat nya naman ako pakikielaman sa opinyon ko. At opinyon ko naman yun + hindi ko rin siya pinakikielaman sa kung anong meron siya sa buhay nya. Nakakairita lang talaga yung mga ganung tao. Yung sinasabi kong mapagmahal na studyante, itago nalang natin siya sa pangalang Mr. Rudolph. Hindi naman sa tinitira ko sya patalikod, ginawa ko lang syang example.
Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada? Yan ang tanong namin, tunay ka bang katulad namin? Nalaman mo na bang mapapag-aral ka nya? Tutulungan tayo para magkatrabaho. At ang kanyang plano'y magkabahay tayo. Si Villar ang tunay na mahirap. Si Villar ang tunay na may malasakit. Si Villar ang may kakahayan at gumawa ng sariling pangalan. Si Many Villar... ang magtatapos ng ating.. kahirapan. Wala sigurong makakalimot nyan.. sobrang daming beses ng narinig ng mga Pilipino yan. Potilical Jingle yan ni.. of course.. Manny Villar. Hindi ko alam kung ano talaga ang purpose neto. Nanunumbat yata yan. Pero aminin mo.. na miss mo yan :) Anim na buwan na rin matapos ang 2010 elections. Hindi na grabe ang siraan na nangyayari ngayon. Di tulad nung campaign period palang. Wala na rin ako masyadong alam sa nangyayari ngayon sa Pilipinas. Hindi na ko nanonood ng balita dahil bihira na ko manood ng TV. Tulad din ng inaasahan ko, alam kong magiging failure ang administrasyon ni Aquino. Parehas kami ng inaasahan ng kilala kong professor. Politics ang itinuturo nya. Sa simpleng hostage taking scandal, hindi nya na alam ang gagawin. Si Gordon, Perlas, Erap, Gibo, Madrigal, Reyes, Villar, at Villanueva. Bakit si Noynoy pa? Wala akong makitang magandang dahilan para iboto si Noynoy. Siya raw ang makapagbabago sa Pilipinas. Siguro nga. Pero sa first 100 "daze" niya, walang magandang nangyari, nag host lang si Kris Aquino ng Pilipinas Win na Win. Pero olats ang rating. So kung tatanungin mo kung sino ang bet ko sa presidential elections, baka nakalimutan mo, uulitin ko sa pangalawang pagkakataon na si Gibo. Wala ng dapat ipaliwanag. Basta siya ang bet ko. Tapos si Gordon. Tapos pangatlo sana sa listahan ko si Perlas. OMG! Bakit si Perlas? OMG rin! Bakit hindi? Kung titignan mabuti ang credentials neto, at kung pede rin na dito na pagbasehan, walang binatbat si Abnoynoy dito. So ang naglalaban nun, bago pa ang eleksyon, ay si Noynoy at Villar. Hindi ako naniniwalang battle of the minds yun. Dahil kung battle of the minds yon, Gordon vs Gibo sana ang nangyayari. Tapos nung eleksyon, dito ang inaasahang mananalo ay nanalo, ang inaasahang pumapangalawa ay pangatlo. Sino ang pangalawa? Nagulat rin ako at nalungkot at nainis. Si ERAP. Putanginanamangagopakshetimbagrabewalanghiyaanobanamannangyayaringayonsapilipinas. PANGALAWA SI ERAP?! Grabe, hopeless na nga ang mga pinoy dahil si Noynoy ang nanalo. Mas bumaba pa ang tingin ko sa mga Pilipino nung pumangalawa si Erap. Tinanong rin nung Physics teacher ko, kung ilan ba ang bumoto kay Erap.. ganun daw karami ang bobo sa Pilipinas.
Magkakaiba talaga lahat ng tao. Walang identical. Unique tayo sa iba't ibang paraan. Pero may pagkaka pareho rin tayo sa iba't ibang paraan. Sa paniniwala palang, pedeng yung pinaniniwalaan mo, yun din ang pinaniniwalaan ko. Pero pede ring yung pinaniniwalaan mo, salungat sa pinaniniwalaan ko. Punta tayo dito sa kaibigan ko. Sumisipsip siya sa teacher. Hindi ako naiinggit o naiinsecure sa kanya o sa grades nya. Paalala lang. Sabi nya, ang sarap daw ng ganun. Sasabihan mo lang yung teacher mo tuwing makakasalubong mo sya ng "Ma'am, you look gorgeous!", 89 na ang grade mo sa card. Tapos A ang conduct. Ang sarap nga naman nun. Sinabi nya rin na ano naman daw paki nya sa sasabihin ng mga tao sa paligid nya, importante daw ba yun. Iisipin nya pa daw ba yun. Wala naman syang pake kung yun ang iisipin ng mga tao sa kanya. Ang importante daw, maganda ang grades nya. Sang-ayon na ko dun sa kanya na wag ng intindihin yung mga tao sa paligid nya. Magandang wag na masyado pansinin ang pinagsasabi ng tao sa paligid mo, dahil sa bandang huli, desisyon mo pa rin ang masusunod at buhay mo naman yan. Pero ang sakin lang, kung wala kang pake sa sinasabi ng ibang tao, siguro kahit yung sinasabi ng sarili mo sayo bigyan mo na ng pansin. Ang ibig kong sabihin, itanong mo muna sa sarili mo kung yan talaga ang gusto mo. Kung sino bang nalulugi kung may mataas kang grade tapos wala ka namang natututunan.
Saan ang mas gusto mo? Sa private o public school? Parehas may pros and cons. Hindi ko na tatanungin kung san mas matututo ang mga tao dahil ang talagang sagot dyan ay nasa istudyante. May mga benefits lang talaga pag graduate ka ng mga ganitong school. Tulad ng UP. Pag graduate ka ng UP, iba ang dating mo sa mga aaplayan mo ng trabaho. Pag graduate ka naman ng Ateneo, o yung mga private school na may parehong reputasyon, iba rin ang aura mo. Saan nga ba ang mas gusto ko? Mas gusto ko yung hindi masyadong private, hindi masyadong public. Yung tipong school na pinag-aaralan ko ngayon. Pang-masa yung presyo ng tuition. Pang-masa dahil kung ikukumpara mo ito sa tuition sa ibang school na nakapaligid dito, halos triple laki ng mga ito. At lagi silang minimum mag isip pag-dating sa gastos. Ultimong project, gusto nila recycled—pero okay lang kahit hindi.
Yung sinasabi kong masyadong private na school, yung mga school na matataas yung tuition tulad ng Ateneo at La Salle. Pede na rin isama ang UST at Lyceum. Sa mga ganitong school kasi hindi mo mararanasan magkaron ng kaklaseng hindi makapasok dahil hindi kayang magbayad ng tuition. Wala ka ring makikitang naka tsinelas na pumapasok dahil walang sapatos. Hindi ka makaka encounter ng kakaibang drama. At magiging mayabang ka lang. Hindi ko naman sila nilalahat, pero karamihan. Kapag sa mga ganitong uri ng school ka nag-aral simula nung una, hindi mo maiintindihan kung anong nangyayari at meron sa Pilipinas.
Yung mga masyadong public naman, yung tipong V. Mapa at Claro M. Recto. May mga istudyanteng matitino dito. Hindi naman mawawala yun. Dito ka makakakita ng mga istudyanteng nagsisikap talaga mag-aral. Pero dito ka rin makakakita ng mga istudyanteng hindi mo alam kung istudyante pa ba. Kadalasan, hindi mga lesson sa bawat subject ang matututunan mo dito. Kundi ang pagpapahalaga sa buhay. Pati mga kakaibang aral. Marami kang makikitang kadramahan dito. Mga kwento ng batang mag da drop dahil kelangan magtrabaho para masustentuhan ang pamilya. Mga batang sa gabi nag-aaral dahil sa umaga—katulong.
Kaya ang best choice ko, ay yung tipo ng school ko ngayon. Halos lahat andito na, pero karamihan, angat lang ng konti sa kahirapan at paminsan-minsan ay nakaluluwag sa buhay. Wala masyado dito nung mga batang kapos. Wala ring masyadong meron. Isa pang ayaw ko sa mga "masyadong" school ay maraming "masyado" dito. Sa masyadong private, may masyadong mayabang. Sa masyadong public, may masyadong masama ang ugali. Iba nga lang ang masyadong mabait ng masyadong private school sa masyadong mabait ng masyadong public school. Yung mga mabait ng private school ay humble. Yung mabait ng public school ay mabait. Ang ibig ko sabihin ay kaya mabait yung sa private school ay dahil gusto niya lang. At yung mabait ng public school ay dahil mabait talaga siya, pinalaki siyang ganon.
Babanggitin ko na nga lang ang mga ayaw ko sa bawat uri ng school. Ang ayaw ko sa masydong private, ay dahil makakakita ako ng mga taong masyadong pa sosyal. Okay lang sana kung sosyal talaga sya, kaso minsan mahahalata mo yung mga trying hard lang talaga. Payabangan pa. Sa public naman ay dahil maraming istudyante dito ang masama ang ugali. Kasi nga, madalas sa mga istudyante ay talagang mahirap. In short, mga squatter na walang manners. May mga squatter kasing mababait sa school.
Naaalala mo pa ba si Ms. English Violator? Papalitan natin ang pangalan niya ng Ms. Surname Syndrome. Kaya naging ganyan ay dahil ngayong year na to, nagkaron ng isang malawakang chismis tungkol sa teacher na to dahil sa parang sakit niya yata. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tinutukoy ng sakit niyang to; ito ba ang kung anong meron siya sa leeg niya; o yung accent niyang tch/ch = ts. Parang "much" tapos "mats". Kaya surname ay dahil ang original na tawag dito ang ang mismong surname niya + syndrome. Hindi ko alam kung sinabi ko dati dun sa unang parte ng blog na to na tamad siya. At least ngayon, alam mo na at nasabi ko na. Tamad talaga siya magturo. At ang palusot niya, "We learn by doing" daw. Kaya ang kadalasang pinagagawa niya samin, ay ang paggawa ng speech. Tapos ide-deliver mo ito sa harap ng klase nyo. Me nalalaman pa siyang preparation daw pag nag college na kami. Sinumbat niya pa samin na isa raw itong paraan para ma enhance ang aming "expressing abilities" through writing and speaking. Medyo maniniwala sana ako kung mas madalas siyang nagtuturo kesa sa paggawa namin ng mga ganun.
Sa pag-uwi ko, nakakita ako ng mga nagra-rally. Nakita ko sa hawak na karton(?) ng isa sa mga ito na gusto nilang ibasura ang executive order "hindi-ko-na-maalala-ang-number" na ipinasa ni "hindi-ko-rin-alam-kung-sino". Sinubukan kong makinig dun sa speaker nila. Nalaman kong ang ipinasang order ay parang pagbabawal sa mga kuliglig. Kung hindi mo alam ang kuliglig, problema mo na yun. Parang pedicab na tricycle ang kuliglig. Pedicab dahil meron siyang cab na hindi katulad nung sa tricycle. Yung sa tricycle kasi parang side car.. hindi ko alam kung ano ang pinagkaiba ng dalawa pero diba yung sa tricycle bakal tapos yung sa pedicab parang tolda lang. Basta yung parang side car naman nung kuliglig pang pedicab. Ang pagka-tricycle naman ng kuliglig ay dahil meron itong makina. At ang pagkaka alam ko sa makina nito ay yung parang sa mga bangka.. hindi ako sigurado pero yun yata yun. Balik na tayo. So alam mo na siguro kung ano ang pinaglalaban ng grupong ito at kung anong trabaho ng mga tao na kasali dito. Sabi ng speaker nila nasa sampung libo raw ang mawawalan ng hanap buhay. Paulit-ulit niyang sinabi ang sampung libo.. sampung libo ang mawawalan ng hanapbuhay. Dinamay niya pa si Lim at Noynoy. Hindi na yata ang masa ang boses ng bayan at mas pinapaburan ang mga dayuhan.. sabi nito. Ang nasa isip ko naman.. bakit kaya ipinagbawal ang kuliglig. May point din naman yung speaker nila dahil maraming pamilya ang umaasa dito.
May pinatunguhan naman yung pag-iisip ko. Naisip kong kaya siguro ipinagbawal ang kuliglig dahil wala itong plate number. Bakit nga ba kelangan ng plate number? Inisip ko ulit. Tapos naisip kong para pala sa mga tao yun. Dahil sa plate number, secured ang mga tao. Katulad nalang din kung bakit kelangan ng lisensya ng doktor, teacher, engineer, at lahat o karamihan ng trabaho. Tapos tsaka ko nalang naisip na delikado pala sumakay sa ganyan. Pano nalang kapag may nangyaring masama sayo.. sinong hahabulin mo. Hindi katulad ng mga tricycle na may plate number.. kapag hinoldap ka nung driver ng tricycle, alalahanin mo lang yung plate number nya, mananagot na yun. Parang kapag ginago ka nung doktor, binaboy yung katawan mo, at least may pang laban ka. Pero kahit ganun, naaawa pa rin ako sa mga umaasa sa kuliglig para mabuhay.
After such a long time, nakapag-update na ulit ako ng blog. Dalawa lang ang posibleng dahilan; tinatamad ako o busy ako o nakalimutan ko. Tingin ko dalawang buwan na nga akong hindi nakakapag-update. Pero naiisip ko pa rin tong blog na to. Minsan gusto kong mag update, kaso pag-dating sa bahay, nawawala na talaga sa isip ko yung mga topic na gusto ko pag-usapan. Buti nalang ngayon, sinipag-sipag ako, may gusto kong pag-usapan, wala akong magawa, at parang gusto na rin ng pagkakataon na madagdagan tong blog entry ko. Tungkol pa nga pala sa kuliglig yung huli kong update... wala lang naalala ko lang. May malagay lang.. Oo nga pala, JS Prom na namin sa Sabado. NAKS! Pero hindi yun yung gusto kong pag-usapan. Tungkol pa rin to sa mga teacher. Isama na rin natin yung mga student teacher. Hmm.. pano ko ba to sisimulan.. Sige ganito nalang, madalas ko kasing naririnig sa mga taong to ang sentence na "Matuto naman kayong rumespeto". Ang hindi ko ma gets sa part na to eh yung taong sinasabihan nya nun, hindi naman ganon sa ibang teacher/ST. Bali yung batang yun, sa ibang teacher tahimik. Tapos sa kanya, medyo madaldal na. Kung ako ang tatanungin, nasa teacher ang problema. Kasi hindi naman talaga dapat ipinag-uutos ang respeto. Nakukuha yan. Kahit gano pa kabastos yung estudyante, marunong pa rin yang rumespeto. Tapos eto namang si Ms. Surname Syndrome (former Ms. English Violator) sinabi nya na sa tinagal-tagal niyang nagtuturo, masasabi niyang hindi raw siya kabastos-bastos. Oh talaga? Sige na nga sabi mo eh. Isa lang din ang gusto kong sabihin sa kanya kung saka-sakaling makakarating sa kanya to, nag-iiba ang reputasyon ng isang tao depende sa mga tumitingin sa kanya. Madali lang naman intindihin diba? Wala kang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo kung nababastos ka.
Ayun college na ko. Bilis ng panahon akalain mo yun. Parang kahapon ko lang sinulat yung unang part nito. Sobrang dami na ring nangyari simula nung huling nag post ako dito hanggang ngayon sa mga oras na sinusulat ko to. Medyo bago pa kami ng girlfriend ko nang ginawa ko yung huling update sa blog na to. Pero ngayon mag iisang taon na kame. I love you Mimmay ko. It’s been almost three years since I wrote the very first part of this blog. It’s as clear as crystal on my mind what I was like when I am writing those words/paragraphs/phrases/etc.. Diba dati isa lang akong hamak na walang magawa sa buhay at patype-type lang sa Friendster. Pero secret lang natin to kaya Filipino/Tagalog ang ginagamit ko or ginamit ko sa blog na to kasi nung nasimulan ko to bobong-bobo pa ko sa English. Pero ngayon at least umasenso na. Medyo bobong bobo nalang. Nakaka-tuwa talagang isipin na.. o sabihin nalang natin na sobrang layo na ng sarili ko ngayon kumpara sa sarili ko dati. Hindi ko alam kung pano nangyari ang lahat ng pagbabago na yun. Basta ang alam ko marami ang nagbago ng hindi ko namamalayan. Ganun naman yata talaga ang buhay. Ang sarap talaga mag-blog. Dito mo lang masasabi ang lahat ng gusto mong sabihin na walang mangingi-elam sayo. Dati 2nd year high school lang ako.. tapos 3rd year na.. then grumaduate.. then boom. It became coco crunch! Ngayon isa ng college ang dating walang magawa sa buhay pero ngayon dapat ng magseryoso sa buhay. Ngayon dapat ko ng simulan magkaron ng pagbabago. At dapat ko yun simulan sa sarili ko. Hindi na dapat akong magbago ng hindi ko namamalayan. Dapat ng baguhin ang mga dapat magbago. At ang pinakahuli ay ako mismo magbabago sa mga dapat baguhin na yun. Dahil sa kalagayan ko ngayon, ang mga susunod na limang taon ang magdidikta ng patutunguhan ng buhay ko. Kung san nga ba talaga ko papunta. O mas dapat ko yatang sabihin na “kung san ko ba talaga gusto pumunta”. I don’t believe in fate. But I do believe in destiny, because we are the one making our own destiny. Anyway eto na talaga college na ko. Ano pa nga bang magagawa ko. Pero iba talaga ang college sa high school. Hindi ko sinabing ibang-iba dahil marami pa rin naman ang hindi nagbago. Estudyante ka pa rin, sa school ka pa rin pumupunta. Tao pa rin ang nagtuturo sayo, tao pa rin ang mga magiging kaklase mo. Pero maniwala ka kung sasabihin ko sayo na “magku-cum laude” ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nag-promise ako sa sarili ko na “magku-cum laude” ako. Ang matindi nilagay ko pa sya sa Facebook as a note. Ganito pa ang drama ko “I will graduate with honors. That’s a promise.” Oha! Pero nag-promise talaga ako sa sarili ko. Hindi ko yun sinabi dahil naniniwala ako sa kasabihan na “If you dream, dream big.” Nag-promise ako sarili ko dahil naniniwala ako na hindi ko lang “kaya” kundi “magagawa” ko talaga. Pero ginawa ko ang promise na yun ng walang ka-alam-alam kung ano ba at pano ba maging cum laude. Para maging cum laude pala kailangan mo ng GWA(General Weighted Average) na better than 1.75. Sabi ko nung una madali lang pala. Sus sisiw lang yun kayang-kaya ko yun kahit naka-pikit pa isa kong paa at kamay! Pero hindi ko alam na kailangan pala na better than 1.75 ang average mo sa buong limang taon or depende kung ilang taon ang course mo. Pero kahit nalaman ko na dapat better than 1.75 ang GWA sa buong college life mo, hindi pa rin naalis sa isip ko na madali lang mag cum laude. Pero nang malaman ko na sobrang konti lang pala ng nagku-cum laude per college ay dun ko palang talaga na realize na hindi lang “mahirap” kundi “MAHIRAP PA SA MAHIRAP”. Ang masaklap minsan pa raw wala talagang cum laude. At ayun, medyo nakakalungkot ang balitang yun. Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa para maabot ko ang dream kong parang “If you dream, dream big” nalang. Mas na-challenge pa ko ng malaman kong sobrang konti lang pala ng nag-ku-cum laude. At napag-isip-isip sa sarili na ito na ang chance para may mapatunayan naman ako sa sarili ko na siyang dahilan kung bakit gusto ko talaga mag cum laude. Angas mo nga naman talaga pag cum laude ka. Sobrang konti lang ang parang pede “humarang” sayo, yung mga katulad mo lang na cum laude. Gusto kong mag cum laude at sabihin sa mga susunod pang mangangarap na maging cum laude na “It’s not as hard as you think.” Pero habang tumatagal parang naririnig ko na sinasabihan ako ng sarili ko ng “Its not as easy as you think.” Hindi naman talaga pagiging isang Civil Engineer ang pinaka-pangarap ko. Maging isang maimpluwensyang tao. Yan talaga ang gusto ko maging. Pangalawa naman ay ang pagiging “masaya”. Hindi ko na rin naman siguro kailangan i-explain kung bakit yun ang pangalawa. Dapat nga yata yun yung una dahil syempre walang kwenta ang buhay mo kung hindi ka masaya. Tsaka palang siguro yung maging Civil Engineer dahil pangarap ko talagang gumawa ng structures na maipagmamalaki ko na siyang magiging dahilan ng pagyaman ko na isa sa mga magiging dahilan para maging masaya ako.
So ayun, I've been through the first month of my college life. Ewan ko, ako si Brandell na mayabang na mayabang na mayabang at mataas ang tingin sa sarili ay hindi na masyadong ganun. Ganun naman yata talaga. Sabi nga nila, ewan ko kung sino dun sa sinasabi kong "nila", basta sabi nila "Makakahanap ka rin ng katapat". Ngayon napapaligiran na ko ng mga top students all over Manila, maybe I should say "some" top students kasi, masasabi ko na yung mga talagang "top" students ay nasa UP. Pano yan, PLM lang ako, o baka pedeng tanggalin ko yung "lang" dun sa sinabi kong "PLM lang" dahil may reputasyon naman ang school ko ngayon at hindi naman ito katulad ng mga ilang pipichuging skul lang, na masabing may studyante lang. Ganun naman yata talaga. You can always think that you're a big fish as long as you are in a small pond. Tapos ngayon, para maka-stay ka sa PLM, may grade kang dapat i menteyn. Pano yan, eh ang paniniwala ko, sabihin na nating "paniniwala ko dati" hindi naman mahalaga ang grade. Sabagay, medyo pinanghahawakan ko pa rin naman yung paniniwala ko na yun, at hindi ko sasabihin na mali ako sa paniniwala ko na yun. Pero ang pagkakamali ko lang, baliktad ang naging sitwasyon. Dapat isinama ko muna ang sarili ko dun sa mga "high graders" at tsaka ko inisip na hindi naman mahalaga ang matataas ang grades. Ang nangyari kasi iniisip ko na hindi naman mahalaga ang grades, kaya ayun, despite the fact na hindi naman talaga porket mababa ang grade mo eh bobo ka na, hindi ko na pinabango ang classcards ko. Pero now, I am trying my best to achieve a certain score, or to become a cum laude to be specific. Pero wala na tayong magagawa. Pero happy pa rin ako dahil syempre I learned another lesson, it usually happens to me, learning from my very very very many mistakes.
Hmm, pano ko ba to sisimulan. Maganda performance ko nung una, pero habang tumatagal unti-unti itong bumababa. I thought I have won the war, pero akala ko lang pala yun. Hindi pala talaga ganun kadali labanan ang katamaran dahil andyan lang yan palagi, maraming nakaka-apekto sayo, lalo na yung tinatawag nilang 'peer pressure'. Inakala ko rin dati na hindi ganon ka big deal ang peer pressure, pero nagkamali ulit ako. Alam mo yung feeling na nag-iisa? Mahirap, pero in some ways, nakakatulong. Nakakatulong dahil kung wala kang kasama, wala kang maiisip na gawin kundi ang mag-aral. Yung tipong third week na ng sem wala ka pa ring kakilala o nagiging ka-close. Madaling sabihin na hindi naman kailangan magkaroon ng mga ganon para maka-survive at kaya ka nasa iskwelahan ay para mag-aral. I tried to walk on that path, at hindi nag-tagal napag-isip-isip ko na wala ring saysay ang pag-aaral ko ng mabuting-mabuti kung hindi ako masaya at nag-eenjoy. At dun na nagsimula ang pagiging socialized student ko na dapat nagsimula ng mas maaga. Ayun, I gained some friends. At least I can call them friends. Medyo bumalik sa dating buhay na padota-dota lang. And I think yun yung nakaapekto sa performance ko, direct or indirect. Yung kapag gusto mong mag-aral kaso hindi mo magawa dahil ikaw lang ang gusto mag-aral. Hindi ko na maintindihan, dapat ko muna sigurong ibalik yung dating ako at alamin ko muna ulit kung ano ang mga gusto ko sa buhay at pati na rin ang mga priorities ko. Ako yung tipong walang pakialam sa mga sinasabi ng mga taong nasa paligid ko, kaso hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin at nagbago na nga yata ako. Gusto kong bumalik sa dating ako na ma-prinsipyo sa buhay, na kung ano ang sa tingin kong tama, yun ang gagawin ko. Hindi ako magpapadala sa kahit ano. At unti-unting kong napagtanto na hindi ang mga kaibigan o barkada, computer, girlfriend, nanay mong maingay, kapatid mong epal, at kung ano pa ang tunay mong kalaban sa buhay, kundi ang sarili mo mismo. Kahit ano pa ang mga pwedeng maka-apekto sayo, wala yang silbi kung talagang malinaw sa isip mo kung ano ang gusto mo dahil syempre, ikaw ang magdedesisyon. Will I win this war?
Been through the first semester of my LIFE. Okay naman. Kuhaan na ng card namin 3 days from now. Isa lang ang nararamdaman ko, EXCITED ako at sure ako na EXCITED nga ako. Ewan ko bakit ako nag-update ng blog ngayon. Pero tutal nag-aapdeyt na rin ako, pag-usapan na rin natin yung tungkol sa first sem. Nung una akala ko hindi ako makakasabay sa mga kaklase ko dahil ako lang naman talaga tagilid pagdating sa grades nung high school. Tapos karamihan pa sa mga kaklase ko may honor. Kaya inisip ko, pag hindi ako nag-aral ng mabuti, wala akong kahahantungan. Buong akala ko na lahat ng tao sa PLM, mas matalino sakin. Kaya ayun, nagsipag-sipag sa pag-aaral. Lalo na nung nalaman ko na sobrang layo pala ng agwat ng mga tinuturo sa skul ko kumpara sa tinuturo sa Manila sayans. Nalaman ko yun dahil may kaklase ako na galing dun. Habang nagke-kwento rin yung kaklase ko na yun, dun ko na-realize na wala ka talagang karapatan na isipin na magaling ka hanggat hindi mo pa nakakasalamuha ang PINAKA. Isipin mo nalang, 99 ang grade sa Algeb. Tapos yung 99 na yun kaya naging 99 yun kasi bawal mag-bigay ng 100. Nung 99 ang binigay dun sa estudyante yung teacher pa yung nahihiya. True story. Kaya ayun, lalo kong inisip na sobrang haba pa pala ng dapat kong habulin.
Hehe. Ayun naisipan ko na mag update ng blog dahil dun sa prof. ko sa tech. comm. Wala lang. :) Baliw baliwan.
Itutuloy.
No comments:
Post a Comment